Thursday, August 28, 2014

              “ Every Child is Special “

           
            Bawat bata ay espesyal. Bawat bata ay may sariling personalidad. Bawat bata ay

sinusubukang pagsikapan at tumuon ng pinakamahusay sa kanyang buhay. Unang-una , bawat

bata ay may sariling mga pangarap. Ngunit ang pangunahing salik na dapat nating pag-isipan ay,

para sa atin na maunawaan natin ang kanilang mga pangarap. Ang pinakatutuhanan sa lahat ay

kulang ang pamilya ng katatagan , pasensya at pag-unawa at higit sa lahat ay ang pagiging

maalalahanin .

           
           
            Ang pelikula na Every Child is Special” ay tungkol sa isang tiyak na bata na ang pangalan

ay Ishaan Awasthi .
           
            Si Ishaan ay matalentong bata; nakakapinta siya ng iba’t-bang bagay gamit ang kanyang

puso’t isipan.  Ngunit hindi siya naiintindihan ng kanyang mga guro;  siya ay kilala lamang bilang

isang masama at napaka salbaheng bata. Madalas siyang tinatawag na “ idiot, crazy ,lazy,

pathetic ”
;  kahit nga ang kanyang mga magulang ay hindi siya maunawaan.

Ang palagi nilang iniisip ay walang dignidad o kapalaran si Ishaan sa paglaki dahil siya ay

magulong bata at hindi niya gustong pumasok sa paaralan. Marahil siguro ito sa istraktura at sa

paging mahigpit ng paaralan , dahil isang araw , isa sa kanyang mga guro ay ipinatayo siya sa

pasilyo. Pagkatapos magkaroon ng parusa ay pumunta siya sa iba’t-ibang kalye na walang

permisyon o tinatawag nilang “Absence without Leave” (AWOL) , Siya ay tumakas sa kanilang

paaralan upang maranasan ang kapana-panabik na mga pasyalan sa kanilang lugar. May oras na

lilitaw siya na medyo hyperactive . Oras na malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang

mga kalukuhang ginawa sa paaralan , ay lagot siya ng ama nito . Makalipas ang

isang araw ay pumunta ang magulang ni Ishaan sa paaralan upang ma konsulta ang mga grado

nito , ngunit marami ang nagreklamo tungkol sa mga pinag-gagawang kalukuhan ni Ishaan sa

paaralan kaya naisipan ng kataas-taasang guro na hindi na siya kailan paman tatanggapin ng

paaralan . Nagpasya ang ama ni Ishaan na ipadala siya sa Boarding School kung

saan higit siya na magdusa mula sa kanyang mahigpit na guro. Dahil sa mga insidenteng ito ,

nawalan si Ishaan ng tiwala sa kanyang mga magulang at siya’y naging malumbay , napaka

lumbay . Hindi siya nakipag-usap sa kahit sino , kahit na ang kanyang ina at sa kapatid niyang

lalake . Walang sinuman ang nagtangkang tulungan siya kaya lahat ng tao sa paligid niya ay

hindi siya naiintindihan .

           
            Sa kabutihang palad
, naging guro niya si Ram Shankar Nikumbh , isang pansamantalang

sining na guro . Nang makita niya ang kalagayan ni Ishaan , paulit-ulit niyang itong kinausap

baka sakaling kakausapin siya nito para matulungan siya sa kanyang pag-aaral at sa kanyang

buhay . Sa pamamagitan ng kanyang kinaugaliang pamamaraan ng pagtuturo at sa kaaya-ayang

presensya , nakuha niya ang atensyon nito . Ginawa ni Ram ang lahat ng kanyang magagawa

para lamang maunawaan ang problema nito sa pagbabasa at pagsusulat .  Kinunsulta ni Ram

ang mga magulang ni Ishaan upang mapaalam sa kanila na may dyslexia ito , kung saan

mahihirapan siyang kumilala ng mga letra at numero . Humanga at nakuha ang atensyon ko ng

binigyan ni Ram ang ama ni Ishaan nang isang mahalagang linya . Ito ay ;  “In the Solomon

Islands , villagers don’t chop down a tree when they want to clear land , but curse and hurl

abuses at it , and the three withers and dies soon after”.


            Tinulungan ni Ram si Ishaan sa iba’t-ibang paraan . Una , binigyan niya ito ng lakas ng

loob upang hindi siya matakot na ipahayag ang kanyang sarili , at pagkatapos , binigyan si

Ishaan ng mga aralin tungkol sa pagsusulat , pagbabasa at  sa matematika . Tinuruan ni Ram si

Ishaan sa iba’t-ibang pamamaraan ; Ginawa niyang katuwaan ang pagtuturo sa pamamagitan ng

paglapat ng mga laro sa kanyang aralin . Bai-baitang , nasimulan na ni Ishaan na mapabuti sa

kanyang pag-aaral , siya ay may kaunting problema sa pagbabasa , nakakasulat na siya ng

maayos at madali na niyang malutas ang mga problema sa matematika .

           
            Nang maganap ang malaking kompetisyon kung saan pagandahan ng naipinta , sumali

lahat ng estudyante guro at si Ishaan . Kung sino ang pinakamaganda ang naipinta  ay ilalagay

ito at magsisilbing takip ng yirbuk . Matapos mag pinta si Ishaan ay ipinasa na niya ito kay Ram

ng makita niyang mukha niya ang ipininta nito . Nang nasa kamay na ng mga hukom ang resulta

, dalawa ang panalo . Ngunit isa lamang dapat ang tanghaling panalo , sapagkat natalo ni Ishaan

si Ram , At si Ishaan Awasthi ang nag wagi . Lahat ng mga estudyante at guro na nasapaligid niya ay humanga at napabilib sa kanyang galing . Si Ishaan ay nagtagumpay sa kanyang pag-

aaral at nagsama na ulit sila ng kanilang pamilya .


            Ang pagtuturo ay dapat hindi lamang gawin sa isang paraan ; dapat gagamit pa ng iba

pang paraan upang maturuan ng maayos ang mga mag-aaral dahil bawat isa sa atin ay may

natatangi at espesyal na talento . Dapat mahusay ding maunawaan ang mga pangangailangan

ng mga mag-aaral ; Hayaan silang maging malaya – malayang mag isip , malayang matuto sa

kanilang sariling mga espesyal na pamamaraan . Makinig sa mga opinyon ng mga mag-aaral at

matuto mula dito . Kahit papaano , ang pelikula ay nakakagaan ng loob sa isang katangi-tanging

paraan . Ako’y nasaktan dahil kahit sarili nila itong anak ay di nila ito maunawaan , ito ay

trabaho ng pamilya ; ang gabayan , malaman ang sariling problema ng kanilang anak at turuan

 ng magagandang asal . Ang problema sa pamilya ay masiyadong mapang-husga kahit di pa nila

alam kung ano ang pinagmulan nito . Ngunit sila rin naman ang magdurusa sa katapusan at

sila’y nabigo na maunawaan ang sariling problema ng kanilang mga anak . Ngunit di ko

pwedeng hatulan ang mga magulang bagama’t ,  ang ninanais lamang nila ay ang

pinakamahusay para sa kanilang mga anak , kaya ibinuhos ng pamilya lahat ng makakaya nila

para sa kaunlaran ng kanilang mga anak at disiplinahin ito sa tamang oras . Humatak nito ang

matinding damdamin at sa nag-bibigay asa na ang pakakaroon ng dyslexia ay hindi isang

malubha at walang pag-asa sa kanyang kalagayan . Upang matulungan ang mga mag-aaral , pag-

suporta ng pamilya , pasyensya ng guro at ang pagmamahal ay kailangan , kaya may kawili-wili

at kasiya-siyang mga diskarte sa pagtuturo at pag-aaral , ito ang pinakamahusay na paraan para

tayo ay masaganahan sa pag-aaral at pagtratrabaho . Ang teorya ng karamihang katalinuhan sa

edukasyon ay gumaganap na isang mahalagang papel sa mundo at maaaring ang pinaka-

mahalaga sa mga magulang ay para sa kanila na tulungan ang kanilang mga anak . Sa oras ,

Pasensya at pag-aalaga , Sa huli’y si Ishaan ay nagtagumpay at sa mahanap ang kanyang sarili at

natanto ang napakalupit niyang ama dahil hindi niya mapatawad ang kanyang sarili sa kanyang

mga nagawa , siya’y nagsisi dahil di niya ito nagabayan ng maayos at di niya ito nauunawaan .

Kaya sa huli ay humanga ang kanyang magulang at pinatawad na ito ni Ishaan at buo na muli

ang kanilang pamilya . Dito nagtatapos ang storya ng buhay ni Ishaan .